Simply Not Meant To Be

Image // Pixabay
Maraming pangyayari sa ating buhay ang gusto nating maganap. Maraming bagay sa mundo ang gusto nating mapasaatin. Mga bagay na naglalagay ng mga ngiti sa ating labi. Mga bagay na nagbibigay ng galak sa ating puso. Mga bagay na nagpapasigla sa bawat paggising natin sa umaga. Mga bagay na gusto nating mapanaginipan kahit sa pagtulog natin sa gabi. Mga bagay na hinahangad natin hanggang forever dahil sa ating unang pagtingin, iyon ang katuparan ng inaasam nating kasiyahan.
It means the world to me. You mean the world to me. It’s the answer to my most earnest prayers. You are the fulfillment of my fantasy.
At kung anu-ano pang romantikong drama na ni-research sa mga linya ni Balagtas, Shakespeare, at Sparks.
Subalit isang araw pagdilat ng ating mga mata, bubulaga sa atin ang nakalulusaw na katotohanan.
They are simply not meant to happen. They are simply not meant to be yours. They are simply not meant to stay with you.
Nakagugulat. Nakalulungkot. Nakaka-depressed. Nakakaiyak. Nakakawala ng awit sa puso. It shatters our dreams. It breaks our hearts.
Ngunit kailangan nating tanggapin. Dapat nating unawain. Sikapin nating mag-let go at mag-move on. Maaaring hindi agad-agad. Minsan kailangan ng ilang linggo, buwan, or even ten years! Gaano man yan katagal ang mahalagang parte ay matanggap natin na:
They are simply not meant to be.
Sa ganitong pag-iisip, mauunawaan natin ang tunay na kadahilanan, ang totoong layunin ng Kataas-taasan. May ibang plano, mas mainam na plano para sa iyo, sa akin, sa atin.
The best way to deal with pain is to live.
Tuluy-tuloy lang ang buhay!
Totoo! May mga bagay talaga na hindi para satin. Pag ganun. Wag na pilitin.
LikeLike